Runs in the family :)
Ang mga sumusunod na pangyayari ay hango sa tunay na buhay at hindi stir. hehe. :)
ANIMAL INSTINCTS
Si ^Meowky ay matagal ng may malaking sugat sa mukha. Medyo basa pa rin ito (eewww) at matagal ng hindi naghihilom (uy, lalim!). Nagtaka ang mga magulang ko kung bakit hindi gumagaling ang sugat nya.
Mama Mia: "Ano ba yang sugat ni Meowk, hanggang ngaun di pa gumagaling."
Papa Ketchup: "Siguro palaging nakikipag-away yan sa labas."
^^Manx: "Hindi, diabetic yan si Meowky eh, kaya di gumagaling yung sugat nya."
**Akalain mo nga naman oh. "Pag kapwa hayop talaga... :)
ISTOKWA
Gabing-gabi na nang ako'y umuwi ng bahay galing sa bilyaran (ayus, feeling highschool. hehe). Wala nang tao sa sala, lahat nasa kani-kanilang kwarto na. Bigla akong nagutom at pumunta ako ng kusina para kumain. Habang nag-aayos ng mga pinggan sa lababo, biglang bumaba ang Nanay ko.
Mama Mia: *malambing na tono* "Sino yan? Meowk... Meowk ikaw ba yan?"
Ria: *kumunot ang noo* "MA! Si Jesa 'to... ano ka ba? Ba't mo hinahanap si Meowk?" *mejo natatawa*
Mama Mia: *natawa sa sarili* "Ay! Kala ko si Meowk..." *bakas sa mukha ang pag-aalala* "Nasan na nga kaya sa Meowk? Dalawang araw nang hindi umuuwi...*tsk tsk tsk*"
**"Yan ang Nanay ko, may malasakit! hehe!
ENGLISH
Minsang nag-uusap kami ni ^^^Jaco tungkol sa mga magulang nya.
Ria: "Jaco, where's your Tatay?"
Jaco: "Tatay at hospital, Fix sick people sha."
Ria: *tumango-tango na parang may bagong na-diskubre* "Ohhh, okay. And where's your Nanay?"
Jaco: "Nanay at school"
Ria: "Ohh, i see. So... what is she doing there?"
Jaco: *hindi sumasagot*
Ria: "She's doing what?" *tinulungang sumagot* "She's... teaching."
Jaco: *biglang kumunot ang noo at mejo pagalit na sinabing* "NO Tita Faerie!!! Nanay is TEACHER!"
**Oo nga eh, sabi ko nga. :) Pasencia, di naman ako magaling mag-ingles. :)
HI-TECH
Minsang nag-iinternet kami ng Tatay ko sa bahay. Tinanong nya ko kung pano nya isasara ang window para makita ang desktop.
Ria: *mi-nouse over ang arrow sa minimize button* "Ganito lang yan Pa, I-click mo lang 'tong minimize button para lumiit 'yung window, para makita mo rin yung desktop."
Papa Ketchup: *malabo paningin* "Nasan dyan?"
Ria: *ginamit ang daliri para ituro ang minimize button sa monitor* "Ito 'yan Pa, 'yan 'yung iki-click mo."
Papa Ketchup: *Itinaas ang daliri para pindutin ang minimize button MISMO sa monitor* "O ayan, napindot ko na. Tapos?"
**'Wag ismolin, touchscreen ang fone nyan kaya sha ganyan. hehe :)
^Meowky, is our diabetic pet cat.
^^Manx, is my monkey sister.
^^^Jaco, is my three-year-old nephew.
-Much Love!

0 Comments:
Post a Comment
<< Home